|
Ang EMR & Agham Chinook ay isinulong para sa Pangalawang 160,000 tonelada/taong planta ng Gasipikasyon (ASR para sa lakas) para sa lugar ng Oldbury sa Kanlurang Midlands, UK Ika-27 ng Nobyembre, 2009

Ang Europeong Paggamit na Muli ng Metal ay nagpaplanong magtayo ng paggamit na muli at gasipikasyon na pasilidad sa Kanlurang Gitnangbayan na, kung itinayo, ay isa sa mga pinakamalaking pasilidad na humaharap sa latak ng gutayan mula sa lumang sasakyan (ELVs) sa Reyno Unido.
Ang mga isinumiteng dokumento sa konseho ng punong-lungsod ng Sandwell noong huli ng nakaraang buwan ay naghahayag ng mga panukalang magtayo ng pasilidad sa Oldbury na may kapasidad na magproseso ng hanggang 190,000 tonelada kada taon ng mga latak na naiiwan matapos gutayin ang mga ELVs, pagbawi ng mga metal, plastik at pinagsamang kung anu-ano na siyang matapos ay ipadadala sa mga muling magpo-proseso.
At, ang mga natitirang mga materyal - kahoy, bula at mga plastik - ay matapos ay gagamutin gamit ang gasipikasyon upang gumawa ng hanggang 30 megawat oras ng kuryente, na mayroon lamang 5,700 toneladang materyal na maiiwan na inaasahang dadalhin sa tambakan matapos ang proseso.
Habang ang 75% ng isang metal na kotse ay maaaring medyo madaling mabawi, ang mga kahirapan sa pagbawi ng hindi metal na labi ay nakikita bilang isang malaking hadlang sa pagpapataas ng bilang ng pagbawi at paggamit na muli ng ELV sa Reyno Unido mula sa 84.23% na nakamit noong 2007 tungo sa 95% na layunin na dapat masapatan sa 2015.
Ito ay inilalarawan ng dokumentong isinumite sa konseho ng Sandwell, na nagsasabing ang iminungkahing pagsulong ay "aktibong susuporta" sa EMR - na siyang itinuturing na pinakamalaking negosyo ng paggamit na muli sa Reyno Unido - sa pagtugon sa mga balak na pagbawi ng ELVs.
At, ilang araw lamang na nakalilipas, ang British Metal Recycling Association o Samahang Briton sa Paggamit na Muli ng Metal, kung saan ang EMR ay isa sa pinakamalaking miyembro, ay nanawagan para sa karagdagang suportang pinansiyal mula sa gobyerno para makatulong sa pagsulong sa kapasidad ng Reyno Unido na mabawi ang latak ng gutayan para matulungan itong masapatan ang layuning pang-ELVs.
Mga Panukala
Ang mga panukala ng EMR ay binalangkas sa isang pangkalahatang-ideyang dokumento na isinumite sa konseho ng Sandwell ng Pakonsultahang Tripos na naka-himpil sa Luton, na naghahangad ng opinyon nito sa epekto sa kapaligiran ng mga plano bago ang pagyari ng isang pangkapaligirang pagtatasa, at pagsumite ng pormal na aplikasyon sa pagbabalangkas.
Ito ay nagpapaliwanag na kasangkot sa proseso na ang latak ng pagdaan sa gutayan, na kilala rin bilang latak ng gutayang awtomotib, ay dadalhin sa iminungkahing 7.5 na ektaryang tahanan ng pasilidad "karaniwan" sa pamamagitan ng tren mula sa mga gutayan ng EMR sa buong bansa.
Doon, mga "karaniwang" kagamitang pagbubukod tulad ng mga trumel, panghiwalay ng kuryenteng ligaw dulot ng konduktor, at mga nakabiting magneto ay gagamitin para mabawi ang 23,500 tonelada kada taon na mga walang bakal na metal, 10,000 tonelada kada taon ng pinagsama-samang mga kung anu-ano, at 19,000 tonelada kada taon na mga plastik.
Nito, ang metal at pinagsamang kung anu-ano ay ibebenta ng EMR at ang mga plastik ay ipapadala sa pamamagitan ng kalye sa "isang plantang pang-prosesong muli ng mga plastik" sa Workshop sa Nottinghamshire. Ang EMR ay kasalukuyang bumubuo ng £17.1 na milyong pasilidad sa Pagawaan kasama ng MBA Polymers, na kumpanya sa Estados Unidos ng plastik na gagamitin na muli, na inaasahang maging ganap na tatakbo sa unang bahagi ng susunod na taon.
Ang dokumento ay nagpapaliwanag na ang natitirang 137, 500 tonelada kada taon na materyales, na binansagan nitong "repinadong ASR", ay ipoproseso gamit ang karaniwang turbina at gasipikasyong teknolohiyang "RODECS", na pinaunlad ng Amerikanong kumpanyang Mga Agham ng Chinook.
Chinook
Ang Mga Agham ng Chinook, na mayroong mga Europeong opisina sa Nottingham, ay nagpahayag noong nakaraang lingo (Nobyembre 16) na ito ay bumuo ng isang magkatambal na gawain, "Makabagong Solusyong Pangkapaligiran Ltd Reyno Unido," kasama ang EMR upang bumuo ng "unang tambal na gawaing pangkalakal" na bumabawi ng materyales at enerhiya mula sa ASR, ngunit hindi tinukoy ang lokasyon ng iminungkahing planta.
Sa ngayon, si David Ireland, Teknikal na direktor ng mga serbisyo sa EMR, ay nagsabing: "Itong alyansa sa Mga Agham ng Chinook ay tunay na nakatutuwa at isang karagdagang makabuluhang hakbang tungo sa aming layunin na pagkamit ng 95% paggamit na muli at pagbawi mula sa aming operasyong paggutay at sa gayon ay mas lalong pinapagbuti ang epekto sa kapaligiran."
Kasama sa gasipikasyon ang material na pang-init upang ang mga organikong bagay ay mapaliit at magawang sintetikong gas, o "singas", na siyang sinusunog upang makagawa ng singaw, na siyang nagpapatakbo ng stimturbina na nakakabit sa dyenerator ng kuryente.
Ang pangkalahatang-ideyang dokumento ay nagpapaliwanag na ang karagdagang 22,800 tonelada kada taon na mga metal, salamin, at pinagsamang kung anu-ano ay mababawi mula sa "depositong solidong latak" na nabuo sa pamamagitan ng proseso ng gasipikasyon gamit ang reklamasyong pasilidad ng pwesto - na siyang pagkatapos ay ibebenta ng EMR, at ang nalalabing 5,700 tonelada kada taon na depositong latak ay kakailanganing itapon sa tambakan.
Ang konseho ng Sandwell ay mayroon hanggang sa susunod na Huwebes (Disyembre 3) upang tumugon sa pangkalahatang-ideyang ulat na may pangkalahatang-ideyang opinyon.
Ang mga plano ng EMR ay kumakatawan sa pinakabago sa isang hanay ng malawakang proporsyon ng pagayos ng basura sa loob ng lugar ng Sandwell, kasama ang Knowaste na isang kumpanya ng paggamit na muli ng himulmol na tumitingin upang bumuo ng unang Europeong pasilidad nito isang pwesto sa bayan, at ang konseho na kasalukuyang humahanap ng malakihang kontratang tungkol sa basura na kabibilangan ng pagtatayo ng "Liwasang Eko" sa Kanlurang Bromwich.
Nung nakipag-ugnayan ang letsrecycle.com, ang EMR ay walang komentaryo tungkol sa mga panukala.
Pahayag mula sa www.letsrecycle.com - Nobyembre 27, 2009
|