Iniuulat ng Agham Chinook ang pagbuo ng Enerhiyang Chinook; Itatalaga si William Gleason bilang Pangulo
Ika-28 ng Oktubre 2008




mw

 

Makabagong Teknolohiya ay Magpapagana sa Pasilidad sa Paglikha ng Kuryente ng Enerhiyang Chinook upang Mabisang Magawang Malinis at Napapanumbalik na Enerhiya ang mga Basurang Materyal.

Huling pagbabago: 10:27 ng umaga Okt. 28, 2008

CRANFORD, NJ, Okt 28, 2008 (Kawad ng Negosyo) - Ang Mga Agham ng Chinook, LLC, ang nangungunang tagagawa at tagapangasiwa ng kagamitang gasipikasyon, ngayon ay naghayag ng pagbuo ng Enerhiyang Chinook na sangay nito at ang paghirang kay William Gleason bilang Pangulo nito.

Ang Enerhiyang Chinook ay responsible sa pagbubunsod ng negosyo ng Mga Agham ng Chinook sa Hilagang Amerika gamit ang pag-aari ng Mga Agham ng Chinook na teknolohiyang base sa pirolisis, kilala bilang Aktibong Piro ®, na siyang may kakayahang mag-gasipika ng halos kahit anong organikong materyal, at ang RODECS ®, ang siyang patentadong sistemang pang-operasyon nito.

Ang Enerhiyang Chinook ay nagsimula na ng paglilinang sa maraming proyektong gagawa ng humigit-kumulang 40-megawat ng kuryente at siyang magbabago sa solidong basurang bayan at basurang industriyal, na lahat ay siyang nagpapaapaw sa mga tambakan sa Estados Unidos, upang maging kuryente o likidong panggatong. Ang kumpanya ay kasalukuyang mayroong iba pang mga proyekto na nasa ilalim ng paglinang sa Reyno Unido at Turkey na gumagamit ng teknolohiya ng Mga Agham ng Chinook na magbabago sa basura upang maging likidong panggatong, kasama ang methanol at ethanol, at tatakbo sa 2010.

Si Gleason ay sumapi sa Enerhiyang Chinook mula sa kanyang posisyong Direktor na Tagapangasiwa sa Credit Suisse, kung saan siya ay responsible para sa Pagsasaayos-muli ng Kredito, kasama ang pinagmulan, pagbabalangkas, at pagpapairal ng mga pagmamay-aring pumumuhunan ng bahay-kalakal sa mga malilit na sibol na kumpanya.

"Ang aming teknolohiya ay tamang-tamang nauugma para sa mula-basura-tungong-enerhiyang merkado sapagkat ito ay kayang magproseso ng malawak na uri ng magkakaibang materyales" sabi ni Dok. Rifat Chalabi, Pangulo ng Mga Agham ng Chinook. "Ang paglago ng mga maaaring mapanumbalik na bagay, ang aming di-napapantayan na komersiyal na antas sa operasyon at pangkapaligiran na talaang trak, ay magiging pamatay na aplikasyon para sa RODECS ®. Ang potensiyal ng paglago ay napakalaki."

"Ang Estados Unidos ay nagtatapon ng humigit-kumulang 170 milyong toneladang basura sa mga tambakan kada taon, ang iba ay sing-yaman sa enerhiya tulad ng karbon," ani Bill Gleason. "Ito ang eksaktong tipo ng basurang kayang baguhin ng teknolohiyang pag-aari ng Enerhiyang Chinook upang maging murang napapanumbalik na enerhiya gamit ang aming malinis at mahusay na teknolohiyang Aktibong Piro ®."

Ang Mga Agham ng Chinook ay itinaguyod noong 1998. Ang sistemang pang-operasyon nitong RODECS ®, na ngayon ay nasa ika-siyam na paggawa ng dibuho at may kakayahang magproseso ng 80,000 metro tonelada ng materyal kada taon, ay nakataguyod sa 17 lokasyon sa buong mundo.

Ang RODECS ® ay siyang pangunahing ginagamit sa industriya ng metal, kung saan ito ay may kakayahan na magproseso ng mababang halaga ng labing metal na kontaminado ng goma, plastik, langis, o iba pang organikong material, magtanggal ng organikong material sa pamamagitan ng proseso ng gasipikasyon, at bawiin ang malinis, mas mataas na halagang metal na maaaring direktang pagtutunaw muli.

Si Gleason ay dumating sa Enerhiyang Chinook na may 20 taon na karanasan sa Wall Street. Bukod sa Credit Suisse, si G. Gleason ay isang Direktor na Tagapangasiwa sa Bangkong Deutsche at J.P. Morgan, kung saan siya ay gumanap ng iba’t-ibang propyetaryong pamumuhunan, nakabalangkas na kredito, deribatibong ekwiti at pagbabangkong pamumuhunan sa mga lupain.

"Ang Mga Agham ng Chinook ay isang kumpanyang itinatag at pinangangasiwaan ng mga inhinyero," ani Dok. Chalabi. "Ang sakop at lalim ng karanasan ni Bill sa Wall Street ay magbibigay ng horspawer na aming kailangan upang itaguyod ang aming negosyong pang-enerhiya at patutunayang bukod-tanging importante habang pinag-aaralan namin ang aming balak na tustusan ang aming mga unang proyektong pang-Estados Unidos na proyektong enerhiya sa nakakahamong kapaligiran ito.

PINAGMULAN: Mga Agham ng Chinook, LLC

Pahayag na unang itinampok sa Pahayagan ng Wall Street www.marketwatch.com - ika-28 ng Oktubre 2008

© 2010 Copyright Chinook Energy | 20 Commerce Drive, Cranford NJ 07016


Contact | Site Map | Privacy Policy

Site Created by CleverDesign.com